Sony Xperia Z3 - Panonood ng mga video sa application na Video

background image

Panonood ng mga video sa application na Video

Gamitin ang application na Video para mag-play ng mga pelikula at iba pang nilalamang

video na na-save o na-download mo sa iyong device. Nakakatulong din sa iyo ang

application na Video na makakuha ng poster art, mga buod ng plot, impormasyon sa

genre at mga detalye tungkol sa direktor para sa bawat pelikula. Mape-play mo rin ang

iyong mga pelikula sa iba pang mga device na nakakonekta sa parehong network.

Maaaring hindi nape-play ang ilang video file sa application na Video.

1

Tapikin ang icon upang buksan ang menu ng home screen ng Video

2

Ipakita ang pinakakamakailang na-play na video

3

I-drag ang kaliwang gilid ng screen patungo sa kanan upang i-browse ang lahat ng na-download at na-

save na video

4

Tingnan ang lahat ng naka-save na video sa iyong device

5

Tingnan ang mga online na video

6

Tapikin upang ma-play ang mga naka-save o na-download na video file

7

Tingnan ang mga opsyon ng menu ng isang video

8

Mag-scroll pataas o pababa upang tingnan ang nilalaman

Para mag-play ng video sa Video

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay hanapin at tapikin ang

Video.

2

Hanapin at tapikin ang video na gusto mong i-play. Kung hindi ipinapakita sa

screen ang video, i-drag ang kaliwang gilid ng screen pakanan para buksan ang

menu ng home screen ng Video, pagkatapos ay hanapin at tapikin ang video na

gusto mong i-play.

3

Para ipakita o itago ang mga kontrol, tapikin ang screen.

4

Para i-pause ang pag-play, tapikin ang . Para ipagpatuloy ang pag-play, tapikin

ang .

5

Para mag-rewind, i-drag pakaliwa ang marker ng bar ng progreso. Para mag-fast

forward, i-drag pakanan ang marker ng bar ng progreso.

128

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Upang baguhin ang mga setting sa Video

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay hanapin at tapikin ang

Video.

2

I-drag ang kaliwang gilid ng screen pakanan upang mabuksan ang menu ng home

screen ng Video, pagkatapos ay tapikin ang

Mga setting.

3

Baguhin ang mga setting ayon iyong gusto.

Upang baguhin ang mga setting ng tunog habang nagpe-play ang isang video

1

Habang nagpe-play ang video, tapikin ang screen upang ipakita ang mga control.

2

Tapikin ang >

Mga setting ng audio, pagkatapos ay baguhin ang mga setting

ayon sa kagustuhan.

3

Kapag tapos ka na, tapikin ang

OK.

Para magbahagi ng video

1

Kapag nagpe-play ang isang video, pindutin ang , pagkatapos ay tapikin ang

Ibahagi.

2

Tapikin ang application na gusto mong gamitin para ibahagi ang piniling video,

pagkatapos ay sundin ang mga nauugnay na hakbang para ipadala ito.